๐’๐‚๐’๐‚-๐’๐’๐‚ ๐ˆ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

SURALLAH, South Cotabato โ€” Isinagawa ng Supreme Student Council (SSC) ng South Cotabato State College (SCSC) ang Programa sa Buwan ng Wika noong Agosto 27, 2026, na may temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€ Layunin ng programa na itaguyod ang pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino, kasabay ng pagkilala sa papel ng makabagong teknolohiya at artificial intelligence (AI) bilang kasangkapan sa pagkatuto, pananaliksik, at pag-access sa impormasyon.

Nagsimula ang programa sa SCSC Gymnasium sa pamamagitan ng opening remarks ni Ardan P. Fusin, LPT, MALT, na sinundan ng message of support ni Dr. Joebert C. Legreso at inspirational message ni Edgar Paolo M. Macrohon, MM. Kabilang sa mga tampok na gawain ang Lakan at Lakambini ng Wika, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kumpiyansa at pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.

Kabilang sa mga tampok na gawain ang Lakan at Lakambini ng Wika, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kumpiyansa at pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.

Isinagawa rin ang ibaโ€™t ibang patimpalak tulad ng Pagsulat ng Sanaysay, Pagsulat ng Tula, Paggawa ng Poster, Radio Drama, Dagliang Talumpati, at Pagkukuwento. Ang mga aktibidad ay ginanap sa SCSC Library at Gymnasium.

Sa hapon, isinagawa ang Laro ng Lahi sa SCSC Field upang muling bigyang-buhay ang mga tradisyunal na larong Pilipino at palakasin ang pakikipagkaibigan at pakikipagtulungan ng mga mag-aaral. Nagtapos ang programa sa awarding ceremony at closing remarks sa SCSC Gymnasium, kung saan kinilala ang mga nagwagi at kalahok sa ibaโ€™t ibang patimpalak at aktibidad.

Pinangunahan ng SCSC Supreme Student Council ang programa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, na nagbigay-diin sa patuloy na paggamit at pagpapayaman ng wikang Filipino sa gitna ng pag-unlad ng teknolohiya at artificial intelligence

#buwanngwika2026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *